Hinihikayat namin ang lahat ng mga eligible na vaccinee with comorbidities na mag-register at mag-submit ng requirements gamit ang Doc Saver service upang ma-validate ng mas maaga at mapasama sa weekly release ng eligible Group A3 list. Tandaan po lamang na kailangan parin dalhin ang original copy ng requirement para tuloy-tuloy at mas mabilis ang processing sa vaccination sites.

Kung kayo ay nangangailangan ng assistance sa pag-upload ng inyong requirement, huwag mag-atubiling humingi ng assistance sa VIP Support Team.

Pinapaalalahanan din ang lahat ng qualified vaccinees na sundin ang maximum file capacity per upload. Siguraduhin na hindi lalagpas sa 2MB ang inyong isusumite na requirement para mabilis at maayos na matatanggap ang inyong medical record. 


Contact number kung saan ka maaring matawagan
Pakicheck ang medical record na nais mong i-submit para ma-validate ang inyong eligibility bilang vaccinee na Group A3 - with Comorbidities
Pumili sa mga paraan ng pag-submit ng records.
Mag-upload ng document file gamit ang PDF format.
Gamit ang camera or phone device, kunan ng litrato ang inyong requirement at i-upload ang image file or stored photo image
Gamit ang video recording device or phone camera, kunan ng video ang inyong requirement at i-upload ang video file
Maaring pakicheck kung kayo ay nakapag-register na online.